Noong una
kang makita, agad na humanga.
Hindi
alintana kahit magkaiba ang tanda.
Isang
piping dasal ng puso ko sana’y iyong tupdin;
Isang ngiti
man lang sana ang iyong ialay sakin.
Araw ay
nagdaraan, mga dahon ay nalalagas.
Pagkikita
natin di yata’t dumadalas.
Ngunit di
mo pansin ang pagtingin sayo,sinta.
Sakit tuloy ng puso ko’y pilit na iniinda.
Araw-araw
na nga tayo’y nagkakasalubong,
Tibok ng
puso ko’y tila ang sayo’y bumulong.
Na
mahal na kita, ikaw na sana aking giliw,
Pag-ibig
ko sayo’y hindi magmamaliw.
Lumipas
ang araw, ang buwan, ang taon,
Buong atensiyon
ko, sayo lamang nakatuon.
Hindi
napansin mga paghihirap na dinaranas sayo,
Naging bulag,
bingi at sunod-sunuran ako.
Aking
nawari na tila wala na ang lahat,
Ikaw ay
umalis, ikaw ay lumipad.
Napalayo
na ang loob mo at ako’y di pinapasin,
At ang sabi
mo pa nga’y huwag kitang salangin.
Mahal, yelo
ka, yelo rin ako.
Anu’t ano
man,parehas pa rin tayo:
Ako,
yelo, natutunaw kapag ika’y nandyan.
Ikaw nama’y
nanlalamig sa akin, di ko kaya ang ganyan.