Martes, Setyembre 29, 2015

YELO

          

YELO


Noong una kang makita, agad na humanga.

Hindi alintana kahit magkaiba ang tanda.

Isang piping dasal ng puso ko sana’y iyong tupdin;

Isang ngiti man lang sana ang iyong ialay sakin.



Araw ay nagdaraan, mga dahon ay nalalagas.

Pagkikita natin di yata’t dumadalas.

Ngunit di mo pansin ang pagtingin sayo,sinta.

Sakit tuloy ng puso ko’y pilit na iniinda.



Araw-araw na nga tayo’y nagkakasalubong,

Tibok ng puso ko’y tila ang sayo’y bumulong.

Na mahal na kita, ikaw na sana aking giliw,

Pag-ibig ko sayo’y hindi magmamaliw.



Lumipas ang araw, ang buwan, ang taon,

Buong atensiyon ko, sayo lamang nakatuon.

Hindi napansin mga paghihirap na dinaranas sayo,

Naging bulag, bingi at sunod-sunuran ako.



Aking nawari na tila wala na ang lahat,

Ikaw ay umalis, ikaw ay lumipad.

Napalayo na ang loob mo at ako’y di pinapasin,

At ang sabi mo pa nga’y huwag kitang salangin.



Mahal, yelo ka, yelo rin ako.

Anu’t ano man,parehas pa rin tayo:

Ako, yelo, natutunaw kapag ika’y nandyan.

Ikaw nama’y nanlalamig sa akin, di ko kaya ang ganyan.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento