Isang
mag-anak ang nananahan sa maliit ngunit masayang barong-barong na nasa magubat
na bahagi ng San Martin. Kahit mahirap ang buhay, ang haligi ng tahanan na
nagtatrabaho sa konstruksiyon ay masigasig sa kanyang paghahanap-buhay kung
kaya’t natutugunan niya ang pangangilangan ng kanyang pamilya. Ang ina naman,
bagamat masakitin ay ginagawa ang lahat na kanyang makakaya upang
mapaglingkuran ang kanyang bana at mga anak. Dahil nagsisilaki na ang tatlo
nilang anak; ang una ay si Joselito, 10 taon; ang sunod ay si Rener, pitong
taon at si Lisa na apat na taong gulang, ang ama ay paminsan na lamang kung
umuwi sa kanilang bahay. Siya ay nag-iipon para sa edukasyon ng mga anak at
palaging nag-oobertaym sa trabaho.
Ang dalawang lalaking anak ay nag-aaral naman nang mabuti at matataas din ang
mga marka. Kapag umuuwi ang ama, palaging asam ni Rener na sana ay dalhan siya
ng laruan, ýung eroplanong de baterya, gaya ng pagdala ng laruang manyika ng
kanilang ama kay Lisa. Inggit na inggit si Rener dahil noong nakaraan lamang ay
nakatanggap na naman si Lisa ng manyika. Kung bibilangin ni Rener, pito na ang
magagandang manyikang ni hindi pa nga nadudumihan ni Lisa sa kalalaro. Minsan
ay nagpasaring siya sa kanyang ama, “Mayroon na naman si Lisa! Sana ‘tay ay ako
naman ang bilhan mo ng laruan. Gusto ko ýong eroplanong de baterya kagaya ng
laruan ng klasmeyt ko.” Ang sabi naman ng ama, “Sige, sa susunod, Rener.” Ang
kanilang ina naman ay nangiti sa narinig.
Mabilis na lumipas ang isang linggo. Nasasabik na siya sa “pasalubong” na
ibibigay sa kanya ng kanyang tatay. Nang makita ang ama, agad na tumakbo si
Rener sa daan kung saan naglalakad ang ama pero sa halip na eroplanong de
baterya ang nakita, kalahating sakong bigas lang ang dala ng ama. Kumaripas ng
takbo si Rener pabalik sa kanilang barong-barong at umiyak nang umiyak. Dahil
gabi na ng mga panahong iyon at malamig din dahil umuulan, maagang nakatulog
ang mag-anak. . . Ngunit hindi alam ng ina, ni Joselito at ni Rener—sa madilim
na sulok ng kanilang higaan, naroon ang ama at si Lisa. “M-mabilis lang
‘to, L-lisa. Huwag kang umiyak! Huwag
kang gagawa ng ingay!”patimping sabi ng ama. “Tay, ayaw ko po. T-tama na po
itay.” “Sige na. Pagkatapos nito ay bibilhan ulit kita ng manyika. Yung mas
maganda at mas malaki. Hindi ba gusto mo yun? Huwag kang maingay.”
Pasinok-sinok si Lisa habang ginagawa ng hinayupak na ama ang paggalaw sa
ibabaw niya kasabay ng walang sawang pagbagsak ng ulan sa bubong ng
kanilang maliit at mapang-aping barong-barong.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento